Mandato
Ang Mapua Senior High School – Samahan ng Filipino ay isang organisasyong naglalayong itaguyod ang kamalayang Pilipino at ang kadakilaang taglay ng wikang Filipino, sa pamamagitan ng pagpapalawig nito gamit ang mga talento ng bawat mapuan.
Misyon
Maitaguyod ang pagpapaunlad at paggamit ng Filipino sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad na makapagbibigay oportunidad sa bawat mag-aaral upang maipamalas ang mga natatanging talento. Talentong lilinangin at pagyayamanin bilang manipestasyon sa adhikain ng Samahan.
Bisyon
Unibersidad ng Mapúa bilang tagapagpatuloy sa dangal at kaunlaran ng Wikang Filipino
Makipag-ugnay
Email Address: mapuashsfilipinoclub@yahoo.com
Facebook Page: www.facebook.com/mapuashsfilipinoclub
Twitter Page: www.twitter.com/MapuaShsFilClub
